ISINISI sa bureaucratic red tape ang pagkakatengga ng may 700 COVID-19 GeneXpert machines na donasyon ng Geneva-based na Global Fund to Fight AIDS, Tuberculosis at Malaria, at may kakayahang mag-detect ng COVID-19 virus.
Nanghihinayang si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor dahil kung nagamit aniya ang mga makinang ito ay malalaman ang resulta ng COVID-19 test sa loob lamang ng 45 minuto.
“The automated GeneXpert units, once brought into play, can easily triple to almost 1,000 the country’s COVID-19 testing laboratories and improve in a big way public access to screening services,” ani Defensor.
Sa ngayon ay 287 lamang umano ang lisensyadong public at private COVID-19 testing laboratories sa bansa kung saan 118 ay nasa Metro Manila, 80 ang nakakalat sa Luzon, 43 sa Visayas at 46 sa Mindanao.
Matagal na umanong hawak ng Department of Health (DOH) ang mga makinang ito kaya nanghihinayang ang mambabatas kung bakit hindi ito ginagamit.
“Many of the GeneXpert units are already installed in the TB diagnostic laboratories of public hospitals, and they can also be used for COVID-19 testing. The problem, as usual, is bureaucratic red tape, as if we are not in the middle of a public health emergency,” ayon sa mambabatas.
Sa kabila aniya ito ng guidelines ng World Health Organization (WHO) na nagsasabing maaring gamitin ang TB laboratories para maparami ang COVID-19 testing sites.
Gayunpaman, sinasabi umano ng Health Facilities and Services Licensing Bureau ng DOH na kailangang sumailalim pa ito sa hiwalay na “licensing for coronavirus screening.
Kung magagamit aniya ang mga makinang ito, hindi na kailangan ang panibagong P5.1 billion para sa “COVID-19 Laboratory Network Commodities” ng DOH sa 2022. (BERNARD TAGUINOD)
202
