NAG-VIRAL NA CHINESE ‘CAT KILLER’ ARESTADO

HAWAK na ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na nag-viral dahil sa pagtadyak sa isang pusa na ikinamatay nito sa Ayala Triangle Gardens sa Makati City.

Kinilala ang Chinese national na si Jiang Shan, 32, inaresto ng BI sa harapan ng kanyang bahay sa Brgy. Palanan, Makati City dahil sa pagiging overstaying nito.

Ayon sa datos ng BI, dumating si Jiang sa bansa bilang isang turista noong Mayo 2023 subalit hindi na ito nag-extend ng kanyang visa simula Setyembre 2023.

Inaresto ng mga awtoridad si Jiang matapos walang maipakitang anomang dokumento hinggil sa pananatili sa bansa.

Si Jiang na dinala sa BI facility sa Bicutan, Taguig City, ay nahaharap sa deportasyon.

Muling nagbabala naman ni BI Commissioner Joel Anthony Viado sa mga dayuhan na respetuhin ang batas sa Pilipinas habang sila ay nasa bansa.

“Filipinos are known to be very hospitable to our guests,” ayon kay Viado. “But guests should not come to our houses kicking our pets. His cruel action led to the BI conducting checks on his records, and now he’s detained to be deported,” dagdag pa nito.

Matatandaan, nag-viral si Jiang makaraan tadyakan nito ang isang pusa na pinangalang si “Ken,” na noon ay nagpapahinga sa isang walkway na humantong sa kamatayan nito. (JOCELYN DOMENDEN)

7

Related posts

Leave a Comment