CAVITE – Arestado ang isang 26-anyos na lalaki makaraang takasan at hindi bayaran ang P20,000 halaga na kanyang ipina-load sa pamamagitan ng Gcash transaction sa bayan ng Magallanes sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.
Nahaharap sa kasong cyber estafa ang suspek na si Aries Loyola ng Pinagbuhatan, Pasig City dahil sa reklamo ni Shiela Cojuangco, 39, ng Brgy. San Agustin, Magallanes, Cavite.
Ayon sa ulat ni P/MSgt. Armando Perez ng Magallanes Police Station, nagpa-load sa pamamagitan ng Gcash transaction ang suspek sa biktima ng halagang P20,000 sa pangalan ng isang Alberto Lao Jr.
Matapos mai-load ang nasabing halaga, mabilis na umalis ang suspek at sumakay sa kanyang motorsiklo saka pinaharurot palayo.
Mabilis namang humingi ng tulong ang biktima sa kanyang asawa at hinabol ang suspek na nagresulta sa pagkakaaresto kay Loyola. (SIGFRED ADSUARA)
192 