ANG pelikulang Just A Stranger, a sexy drama movie starring Anne Curtis and Marco Gumabao mula sa panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana under Viva Films, is currently showing.
Ito bale ang second team-up nina Anne at Marco na unang nagkasama sa 2018 Metro Manila Film Festival movie Aurora na pinamahalaan naman ni Yam Laranas sa bakuran din ng Viva Films.
Ang Just A Stranger was originally intended para sa ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) pero hindi ito nakapasok considering na ang first two movies ni Direk Jason sa PPP, ang 100 Tula Para kay Estela at ang The Day After Valentine’s na parehong tinampukan nina Bela Padilla at JC Santos ang nanguna sa takilya noon.
Blessing in disguise na rin ang nangyari sa Just A Stranger nina Anne at Marco dahil wala silang kasabay nang ito’y magbukas sa mga sinehan last Wednesday, August 21. Ang nasabing pelikula ay kumita ng mahigit P30-M sa first three days showing nito. The movie was partly shot in Portugal.
Si Anne ay nakagawa ng tatlong pelikula noong isang taon na pawang kumita sa takilya: ang action-drama movie na BuyBust, Sid & Aya (Not A Love Story) at ang Aurora.
This year ay dalawang movie lamang niya, ang showing ngayon na Just A Stranger at ang Metro Manila Film Festival movie nila ni Vice Ganda na Momalland kung saan din tampok sina Tony Labrusca at Dimples Romana na pamamahalaan ni Barry Gonzalez. Ito’y joint venture ng Star Cinema at Viva Films.
Samantala, tinotoo ng big boss ng Viva Group of Companies na si Boss Vic del Rosario ang kanyang pangako kay Marco Gumabao na gagawin niya itong next in-demand leading man.
Si Marco ay nasa pangangalaga ngayon ng Viva Artists Agency (VAA) na siya ring management company ng napakaraming stars and talents tulad nina Sarah Geronimo, Anne Curtis, Cristine Reyes, Billy Crawford, Xian Lim, Nadine Lustre, Janno Gibbs, Ryza Cenon, Louise de los Reyes at marami pang iba.
Ang Viva rin ang sumugal sa career ni James Reid na kamakailan lamang ay kumalas sa pamamahala ng VAA.
HELLO, LOVE, GOODBYE MALAPIT NANG MAABUTAN ANG KITA NG THE HOWS OF US
Mag-iisang buwan nang palabas sa mga sinehan ang pelikulang Hello, Love, Goodbye na pinagtambalan sa unang pagkakataon nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa bakuran ng Star Cinema na dinirek ni Cathy Garcia-Molina.
As of August 23, umabot na ng mahigit P800M ang kinita ng HLG at kailangan na lang ng additional P61M para ito’y pumantay sa kinita last year ng pelikulang The Hows Of Us na pinagtambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at pinamahalaan din ni Direk Cathy under Star Cinema.
Since patuloy pa ring palabas ang HLG sa mga sinehan maging sa international screening nito sa ibang bansa, hindi malayong maabot o di kaya malagpasan nito ang kinita ng THOU. Kapag nangyari ito, sina Kathryn at Direk Cathy will break their own record sa box office. As of now kasi, hawak ng The Hows Of Us ang record ng highest grossing local film of all time na malapit nang ma-break ng Hello, Love, Goodbye.
Sa pamamagitan ng HLG, muling gumawa ng record sa takilya sina Kathryn, Alden at Direk Cathy, the movie of many “firsts”: First team-up ito nina Kathryn at Alden, first movie ng Kapuso prized talent sa bakuran ng Star Cinema and also his first time to work with Direk Cathy as a director. First movie rin ito ni Alden na kumita nang ganoon kalaki sa takilya.
Samantala, napatunayan naman ni Kathryn na kaya pala niyang tumayo on her own without banking sa popularity ng loveteam nila ng kanyang real boyfriend na si Daniel Padilla.
May mga umaasa naman na sana’y ipareha rin umano si Daniel either kina Sarah Geronimo at Maine Mendoza na si Direk Cathy rin ang director at Star Cinema rin ang producer nang mapatunayan naman ng nobyo ni Kathryn na kaya rin nitong gumawa ng pelikula na hindi si Kathryn ang katambal.
Hanggang ngayon ay nananatili pa ring number one ang tambalan nina Kathryn at Daniel.
