MALAKING bahagi ng populasyon ang kumbinsidong walang pag-asang tumino ang kanilang pamumuhay sa pagpasok ng susunod na taon.
Sa resulta ng pinakahuling survey na pinangasiwaan ng Social Weather Station (SWS) mula Setyembre 12-16 ng kasalukuyang taon, lumalabas na 45% ng kabuuang 1,200 respondents ang hindi na umaasang aangat pa ang kanilang estado sa buhay sa susunod na 12 buwan.
Nasa 33% naman ang umaasa pa rin sa milagrong mag-aangat sa kanilang pamumuhay habang 14% naman ang walang tugon – hindi dahil sa wala silang pakialam kundi dahil sa patuloy na banta ng pandemya.
Ang nalalabing 7%, nangangambang mas lalala pa ang kanilang dinaranas na kahirapan. (JESSE KABEL)
300
