NAGPAABOT ng pakikiramay ang Pambansang Pulisya sa pagkasawi ni Police Master Sergeant Fernando Marfa ng Cadiz Component City Police Station.
Si Marfa ay nasawi noong Agosto 7 makaraang iligtas ang kanyang dalawang kasamahan na muntik nang malunod habang nagsasagawa ng seaborne patrol sa Cadiz City, Negros Occidental.
Ayon kay PNP Public Information Office chief, Col. Allen Rae Co, inaayos na ng Philippine National Police ang mga benepisyong matatanggap ng pamilya ni Marfa.
Aniya, kinikilala at pinahahalagahan ng PNP ang tapang at sakripisyo ni Marfa.
(TOTO NABAJA)
60 