PBBM SA GOV’T AGENCIES: MANATILING ‘HEIGHTENED ALERT’

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na manatiling naka-“heightened alert” habang patuloy na nararanasan ang epekto ng Southwest Monsoon o Habagat.

Ito’y bunsod ng pagbaha sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon dahil sa malakas na pag-ulan nitong Linggo.

“The President is closely monitoring the impact of the Habagat, particularly the situation in flood-prone areas and the rising water levels in dams and reservoirs,” ayon sa Malacañang.

“He has directed concerned agencies to remain on heightened alert, closely coordinate on water releases, and take the necessary preventive measures to protect communities and critical infrastructure,” dagdag pa ng Palasyo.

Samantala, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na inatasan din ng Pangulo ang Department of Health (DOH) na maging maagap laban sa mga sakit na maaaring idulot ng patuloy na pag-ulan at pagbaha.

Pinaalalahanan ni Castro ang publiko na agad na maghugas ng katawan gamit ang malinis na tubig at sabon matapos lumusong o madikitan ng baha, sinadya man o hindi.

Sinabi rin niyang maaaring makapasok ang mikrobyo ng leptospirosis sa katawan sa pamamagitan ng talsik ng tubig-baha sa mata o bibig.

Libre aniya ang konsultasyon at gamot na Doxycycline sa mga health center, ngunit hindi ito maaaring ibigay sa mga buntis at batang 12 taong gulang pababa nang walang wastong medical guidance. Mayroon ding Dengue Fast Lane sa mga DOH hospitals sa buong bansa.

Naghanda rin ang DOH ng malilinis na lalagyan ng tubig o jerry cans at chlorine tablets upang matiyak ang kaligtasan ng inuming tubig.

(CHRISTIAN DALE)

49

Related posts

Leave a Comment