NASA ‘ROW FOUR’ OBLIGADONG MAG-SUMMER REMEDIAL CLASSES

MANDATORY na sa mga estudyante na may pinakamababang reading comprehension levels ang summer remedial classes, ayon sa Department of Education (DepEd).

Ang mga estudyante kasi na may reading comprehension levels ay ipinapasa na lamang kahit hindi pa natutugunan ang kinakailangang kagalingan o kakayahan sa pag-aaral.

Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara, na ginagamit na ngayon ng departamento ang Beginning of School Year (BOSY) at End of School Year (EOSY) assessments para idetermina ang ‘learning gaps.’

Iyong mga may pinakamababang iskor ay kinakailangan ngayon na makiisa sa isang ‘remediation program’ pagdating ng summer.

“Basta ikaw ay nasa below level, yung lowest level of reading comprehension, required ka mag-summer review,” ang sinabi ng Kalihim.

Aniya pa, maraming bata ang nakinabang sa ganitong approach.

“Very supportive ang ating mga alkalde, ang ating mga local governments. Kaya natutugunan yung literacy problems at na iangat yung learning ng isang bata,” ang sinabi ni Angara.

Binigyang-diin nito na ang mga estudyante ay ‘responsive’ o tumutugon sa summer program, na karaniwang isinasagawa sa maliit na grupo.

Upang matugunan ito, muling nagtalaga ang DepEd ng hahawak sa summer programs.

(CHRISTIAN DALE)

2

Related posts

Leave a Comment