1 pang Bugatti Chiron nabawi na LTO TIKOM PA RIN BIBIG SA NAREHISTRONG LUXURY CARS

NA-RECOVER na ng mga operatiba ng Bureau of Customs katuwang ang National Bureau of Investigation ang asul na smuggled Bugatti Chiron sa isang posh subdivision sa Muntinlupa.

Ito ang ikalawang luxury car na parehong nagkakahalaga ng Php165 million na narehistro sa Land Transportation Office (LTO) nang walang kaukulang dokumento.

Matapos ang ilang buwang paghahanap sa tulong ng ilang informants ay natunton ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang asul na Bugatti Chiron.

Unang isinuko ang pulang Bugatti Chiron ng may-ari nito na taga-Muntinlupa.

Patuloy naman ang pagsisiyasat ng BOC-CIIS sa pinagmulan ng dalawang smuggled car at kung paano ang mga ito napasakamay ng dalawang banyagang nagmamay-ari nito, gayundin kung paano ito nairehistro sa LTO nang walang tamang dokumento.

Tinutunton na rin ang kasabwat sa Aduana kaya naipasok ang dalawang Bugatti Chiron sa bansa na maaari umanong nagbigay ng clearance at dokumento na ginamit naman sa LTO para sa registration ng mga ito.

Nabatid na kahit na isinuko na ang dalawang mamahaling kotse ay hindi pa rin ligtas ang mga may-ari nito dahil mahaharap sila sa kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

(JESSE KABEL RUIZ)

54

Related posts

Leave a Comment