(BERNARD TAGUINOD)
MAKIKINABANG ang may 16 milyong pamilyang Filipino sa Murang Kuryente Bill na inaprubahan na ng Bicameral conference committee, ayon sa liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Gayunman, inaasahan na sa Hunyo 2019 pa ito mapapakinabangan ng sambayanang Filipino dahil sa Mayo 20 pa inaasahang raratipikahan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso bago pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“This will lighten the burden of Filipinos from high cost of electricity without hurting the government coffer,” ani Marindue Rep. Lord Allan Velasco, chairman ng House committee on energy.
Sa ilalim ng nasabing panukala, gagamitin ang kita ng gobyerno na P208 bilyon sa Malampaya funds para bayaran ang ang stranded contract cost at stranded debt ng National Power Corporation (Napocor).
Sa ngayon ay ipinasa sa mga consumers ang mga utang ng Napocor kaya dagdag na gastusin ito sa mamamayan subalit sa sandaling mapirmahan at maging batas ang nasabing panukala ay bababa na ang bayarin ng mga ito.
Tinatayang makatitipid ang mga bawat bahay ng hanggang P172 sa bawat 200 kilowatt hour na kanilang makokonsumo kada buwan na malaking tulong umano sa mga tao kapag nagkataon.
194