COMELEC NAGBAGO NG TAKTIKA VS PASAWAY NA KANDIDATO

comelec12

(NI HARVEY PEREZ)

TINIYAK ng Commission on Elections (Comelec) na hindi sila magpapalabas ng listahan ng mga pasaway na kandidato, maging ang mga kandidato na napadalhan na nila ng notice of violation.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na hindi na nila papangalanan o ilalathala ang pangalan ng mga non-compliant na kandidato nang sa gayon ay hindi masayang ang case build-up na isinasagawa laban sa mga ito.

Nabatid na ang paglabag ay may kinalaman sa  Oplan Baklas na kanilang isinasagawa sa mga nagkalat na illegal campaign posters at billboards sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon kay Jimenez, kapag nalaman ng mga kandidato na isa sila sa mga nailista ng Comelec na non-compliant ay bigla na lamang tinatanggal ang mga nagkalat na mga illegal campaign posters kung kaya  hindi na ito naidodokumento  kaya wala nang ebidensiya laban sa kanila.

Isasapubliko na lamang ng Comelec ang listahan ng mga kandidatong sinampahan na nila ng kaso dahil sa hindi nila pagsunod sa direktiba ng poll body na tanggalin ang mga illegal campaign posters nila sa tamang panahon.

Bukod dito, nabatid na  mayroon na umano silang guidelines na ipinalabas bilang gabay sa mga magbabaklas ng mga illegal campaign posters.

Ito ay kinakailangang maipaalam sa Comelec office ang gagawing pagbabaklas nang sa gayon ay mai-dokumento ang mga ito at magamit sa case build-up laban sa mga pasaway na kandidato.

 

 

211

Related posts

Leave a Comment