(NI BERNARD TAGUINOD)
UMAASA ang isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ilalaan ng susunod ng hepe ng Philippine National Police (PNP) ang 20% sa 26,370 na irerecruit nito sa susunod na taon.
Ginawa ni House deputy speaker Johnny Pimentel ang nasabing pahayag matapos maglaan ang Kongreso ng P24.4 Billion na pondo sa 2020 national budget para sa recruitment ng mga bagong miyembro ng PNP.
Ayon sa mambabatas, 10,000 ang kukunin ng PNP na pulis sa 2020 na may pondong P3 billion at P14.4 billion naman para punun ang 26,685 na bakanteng posisyon sa PNP.
Nabatid na dapat 214,410 na sana ang position para sa uniformed personnel sa PNP subalit 187,725 lamang ang puwersa ng mga ito kaya mayroon pang bakanteng 26,685.
Sinabi ni Pimentel na dapat ilaan umano ang 20% dito sa mga kababaihan upang mas dumami pa ang puwersa ng mga ito sa PNP at mawala na diskriminasyon pagdating sa police force.
“This is no longer just about improving the PNP’s gender-sensitivity. This is about giving women the same opportunities as men to serve – to obtain gainful employment and to advance,” dagdag pa ni Pimentel.
Dahil dito, umaasa ang mambabatas na sinuman ang papalit kay dating PNP Chief Oscar Albayalde ay ilaan ang 20% sa mga posisyong ito sa mga kababaihan dahil ang nag-resign ng opisyal ay hanggang 10% lang sa puwersa ng mga pulis nais nitong bilang ng mga babae sa pambansang pulisya.
“To discourage potential abuses by male officers, we want the desks to have sole and direct custody of women and minors who are brought to police stations for questioning. We also want the desks to supervise women and children who visit their loved ones in police detention,” ani Pimentel kaya dapat umanong dumami pa ang puwersa ng mga babae sa PNP.
164