200-M SINGLE; FB NAGLAGAY NG ONLINE DATING APP

fbdating app12

(NI DAHLIA S. ANIN)

INILABAS ng social media app na Facebook ang tampok nilang dating feature sa 19 na bansa kasama ang Pilipinas.

Pinapayagan ng in-app feature na ito ang mga gumagamit ng Facebook na makakilala at makipag-usap sa mga tao na maaring maging kapareha nila base sa kanilang interes at kagustuhan.

Ayon sa Technical Program Manager ng Facebook Dating na si Charmaine Hung, napansin umano nila na mahigit 200 milyong tao ang naglista na sila ay ‘single’ sa Facebook, at marami sa mga Pilipino ang gumagawa ng koneksyon at nagdiriwang ng kanilang relasyon sa pamamagitan ng app na ito.

Kahit kasama na ang feature na ito sa mismong Facebook App, kailangan ng mga users na gumawa ng bukod pang dating profile kung nais nila itong gamitin. Ang kanilang dating activity ay hindi naman makikita sa kanilang Facebook profile o sa kahit kanino pa man.

Lahat ng gagamit ng feature na ito ay limitado lamang para sa mga hindi nila friends at opsyunal lamang kung nais itong ipakita friends of friend o vice versa.

Alam naman umano ng Facebook na hindi lahat ng single ay gustong makipag-date at hindi naman lahat ay gustong makipag-date online, kaya naisip nilang gawin ito upang makatulong sa mga tao.

Isa sa mga hakbang na kailangang gawin upang makapasok sa dating app feature ay kailangang ilagay ang tunay na pangalan at edad at meron dapat Facebook profile.

Mahigpit din ang security na inilagay ng Facebook dito upang masiguro na walang fake account at scammer ang makakapagrehistro sa app na ito.

Nais ng Facebook, sa pamamagitan ng app na ito, na tulungan ang isang tao na makahanap ng potential match na hindi lang makikita sa profile photo pati na rin para makakita ng totoong tao na makasusundo at kapareho ng  kani-kanilang interes.

 

121

Related posts

Leave a Comment