2020 NAT’L BUDGET ‘DI DAPAT MA-DELAY; MAHIHIRAP APEKTADO

martin100

(NI BERNARD TAGUINOD)

WALANG plano ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na idelay ang pagpapatibay sa 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion dahil mahalaga ito para maiangat ang mga pobre sa kahirapan.

Ito ang kapwa iginiit nina House majority leader Ferdinand Romualdez at House deputy speaker Raneo Abu, nitong Linggo, kaugnay ng 2020 national budget na simulang busisiin noong nakaraang linggo.

“We, in Congress, support the initiatives of the Duterte administration to empower the poor through increased subsidies and grants aimed at ending the intergenerational cycle of poverty in the country,” ani Romualdez.

Sa ilalim ng nasabing pondo, P108 billion dito ay para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps kung saan tataasan buwanang tinatanggap ng may  4.1 Million mahihirap na pamilya sa buong bansa.

Bukod dito, kailangang hindi umano mapurnada ang P166.5 Billion na pondo Unversal Health Care (UHC) para mas marami pang mahihirap na mamamayan na nagkakasakit ang matulungan.

Sinabi naman ni Abu na hindi dapat madelay ang national budget upang hindi mabalam ang mga programa ng gobyernong Duterte para maiangat ang buhay ng lahat ng mamamayang Filipino.

“We will not allow any budget delay because it will derail President Duterte’s poverty reduction efforts. House leaders under Speaker Cayetano will ensure that the government will be able to accelerate the implementation of its infrastructure projects by providing the necessary funding,” ani Abu.

Magugunita na halos kalahating taong nadelay ang 2019 national budget na nakaapekto umano ang ekonomiya ng bansa dahil hindi nasimulan ang mga programang kailangan ng mamamayan.

 

139

Related posts

Leave a Comment