22 PROBINSIYA MAKARARANAS NG TAGTUYOT — PAGASA

elnino2

(NI JEDI PIA REYES)

IBINABALA ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mararanasang matinding tag-init sa 10 hanggang mahigit 20 probinsiya sa bansa na epekto ng El Nino phenomenon.

Masasabing umiiral ang tagtuyot kung limang magkakasunod na buwan na mayroong 21 hanggang 60 porsyentong bawas sa normal na dami ng pag-ulan o hindi bababa sa 60-porsyentong walang pag-ulan sa loob ng tatlong buwan.

Tinukoy ni PAGASA climate monitoring chief Analiza Solis, nakararanas ngayon ng tagtuyot simula noong Pebrero ang Ilocos Norte, Zamboanga Del Sur, Zamboanga Sibugay, Maguindanao at Cebu.

Inaasahan ding mararanasan ng katulad na kondisyon ang Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Ilocos Sur at La Union simula ngayong buwan.

Sinabi pa ni Solis na posibleng umabot ng 22 probinsiya ang tatamaan ng tagtuyot sa Abril.

Una nang inihayag ng PAGASA na umiiral na ang mahinang El Nino sa bansa o kakaunting pag-ulan at bahagyang mainit na temperature.

575

Related posts

Leave a Comment