320 HRS OJT NG SENIOR HIGH, IGINIIT

(NI BERNARD TAGUINOD)

TULAD ng mga college graduate, kailangang magkaroon ng On the Job Training (OJT) ang mga senior high school bago magtapos ang mga ito upang maihanda at magkaroon agad ng trabaho.

Ito ang mungkahi ni Binan City Rep. Marlyn Alonte sa gitna ng balak ng Kongreso na rebyuhin ang K-12 program dahil kailangan ang nasabing training upang alam ng mga senior high school kung anong trabaho ang dapat nilang pasukan.

Sa ngayon ay hindi obligado ang mga senior high school tulad ng college students na dumaan sa OJT gayong ang pangako ng nasabing programa ay maaaring makapagtrabaho ang mga ito pagka-graduate.

Kung magkakaroon man ng OJT, sinabi ni Alonte na dapat 320 hours ito at hindi 80 hours upang matututo nang husto ang mga estudyante sa trabahong nais nilang pasukan.

 

314

Related posts

Leave a Comment