POSIBLENG isara ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang apat na maritime higher educational institutions (MHEI) sa bansa dahil sa wala umano itong permit mula sa pamahalaan.
Ayon sa MARINA, pinadalhan na nila ng show cause order ang apat na paaralan upang ipaliwanag ang reklamo.
Hindi muna isinapubliko ng MARINA ang mga pangalan ng apat na paaralang nasa ‘hot water’ dahil nagsasagawa pa ang ahensiya ng malalim na imbestigasyon.
Ayon sa MARINA, hindi pumasa ang aplikasyon ng apat sa 21 maritime schools sa bansa upang mag-operate, ngunit tumatanggap ang mga ito ng mga mag-aaral na first year sa Bachelor of Science in Marine Transportation (BSMT) at Bachelor of Science in Marine Engineering (BSMarE) para sa academic year 2018-2019.
Nililinlang nila ang enrollees nila dahil idinidin nila sa mga ito na ang iniaalok nilang mga kurso ay tumupad sa 1978 Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW).
Ikinagulat ito ng MARINA.
“The MARINA regularly monitors and evaluates MHEIs to ensure that their facilities and training equipment, quality standard system (QSS), shipboard training, examination and assessment system, faculty, and curriculum are in compliance with the STCW Convention 1978, as amended, to uphold the quality and competence of Filipino seafarers,” saad ng MARINA.
Ilalabas ng ahensya ang pinal nitong desisyon laban sa apat na maritime schools matapos nilang matanggap at mapag-aralan nang husto ang sagot sa show cause order na inihain sa kanila at maging ang pasya ng Commission on Higher Education (CHED).
192