13K HEALTH PROFESSIONALS DESTINO SA MGA BARYO

HEALTH PROFESSIONALS

MAGPAPADALA ang Department of Health (DOH) ng 13,000 health professional sa mga baryo, lalo na sa mga malalayong lalawigan, kung saan walang naka-talagang manggagamot, nurse at iba pa upang mangalaga sa kalusugan ng mga pangkaraniwang tao.

Tiniyak ito ni Surigado del Sur Rep. Johnny Pimentel matapos isama sa mungkahing 2019 national budget ang P9 bilyon upang makapagtalaga ng mga health professional sa mga malalayo at mahihirap na lugar ng bansa ang DOH.

Ayon kay Pimentel, 243 doktor; 9, 138 nurses; 3, 650 midwives at 241 dentists ang ikakalat sa mga baryo sa iba’t ibang panig ng bansa para magsilbi sa mamamayan, lalo sa mayroong karamdaman.

Sa P9 bilyong inaprubahang pondo, P7.8 bilyon dito ay ipasusuweldo sa mga health professional, habang ang P1.2 bilyon naman ay nakalaan sa operasyon ng DOH.

“We would urge qualified health professionals looking for gainful employment to sign up, so they can help underserved communities while getting paid well,” banggit ni Pimentel.

18

Related posts

Leave a Comment