(NI DANG SAMSON-GARCIA)
NANINIWALA si Senador Imee Marcos na dapat baguhin ng gobyerno ang sistema sa pagbibigay ng financial assistance sa mahihirap o ang 4Ps Program.
Ayon kay Marcos, dapat idepende sa pangangailangan ng benepisyaryo ang pamamahagi ng tulong mula sa 4Ps.
“We are recommending a targeted approach, a more focus approach and perhaps a more diversified approach. Walang silver bullet, walang iisang solusyon para sa kahirapan,” saad ni Marcos.
“Ang argumento natin sa 4Ps, kailangan nang itailorfit. Sa 2007-2009, nagsimula yan hanggang ngayon mag-iisang dekada na, hindi pa ba nakakatawid, so ito nga nagde-delist sila sa amin may 47,000 na tinanggal, at least nakapag-graduate na. Hindi naman lahat pasaway, yung iba talaga nakapaggraduate na lumaki na ang anak,” diin ni Marcos.
Iginiit ni Marcos na sa mga nakalipas na taon, maituturing ang 4Ps na sadyang pantawid lamang o short term solution sa kahirapan subalit hindi ito maituturing na permananteng resolusyon sa problema.
“Mukhang hindi naman mababawasan kasi habang nagde-delist, mas marami naman ang nadaragdag. Ang problema rin too little too late ang 4ps kasi nga pinagpipilitan nila na macover nila ang 13 million katao eh di paliit ng paliit ang binibigay, nagiging less and less significant and as a result less and less effective,” diin ng mambabatas.
Iginiit ni Marcos na kung nais talaga ng gobyerno na makaahon sa kahirapan ang bansa, kailangang magpokus din sa mahihirap sa Mindanao.
“We can’t go forward, ang ating pagasa bilang isang bansa na medium wealthy na ang ating pagasa ay Mindanao. Hindi talaga tayo aahon, uusad bilang isang bansa kapag hindi umahon ang Mindanao. It’s all about Mindanao,” dagdag nito.
PROGRAMA NG GOBYERNO SA MGA OFW, TINAWAG NA BIPOLAR APPROACH
Samantala, aminado si Marcos na kailangang pang pag-aralan ang panukala ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tumapyas ng budget mula sa DSWD para sa cash for work program para sa mga na-retrench na mga manggagawa.
Sa gitna ito ng posibleng pagbabawas ng kapangyarihan sa DOLE dahil sa posibilidad ng pagtatayo ng Department of OFW.
Kasabay nito, pinansin ni Marcos ang anya’y tila bipolar approach ng gobyerno sa mga OFW.
“Sa totoo lang medyo bipolar ang approach sa mga OFW. Ako nalilito ng bonggang bongga dyan, ano ba talaga ang nais? Syempre gusto natin palayasin, pinapadali natin, gandahan ang passport gawing 10 yrs, bigyan natin ng sahod, certification, professional regulation, etc etc. Pinapalayas ba natin sila?” saad ng mambabatas.
“On the other hand, meron din tayong reyalidad na hindi naman matitigil ang migration na dadami pa sa Asean integration. On the other hand, talaga bang may job generation dito sa Pilipinas na makakapagigay ng maaasahang sahod at trabaho yun naman nag question dapat may ganun, may balanse may serious job generation program,” dagdag nito.
158