PINAPAYAGAN ng Civil Service Commission (CSC) ang mga empleyado ng gobyerno na naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkang Taal na makakuha ng special 5-day emergeny leave.
Sa CSC Memorandum Circular Nos. 2 at 16 na inisyu noong February 16, 2012 at October 17, 2012, na naglalaman ng guidelines para sa pagbibigay ng special emergency leave sa mga empleyado ng gobyerno, ng limang (5) araw na magkakasunod na hindi ibabawas sa employee’s leave credits.
Ang nasabing pribilehiyo ay maaaring gamitin ng mga matinding naapektuhan ng kalamidad para magkaroon sila ng panahon na ayusin ang kanilang nasirang bahay, pagkakasakit o pag-aaruga sa kapamilya dulot ng kalamidad, at iba pa.
Para sa karagdagang detalye ukol sa CSC Memorandum Circular Nos. 2 at 16, s. 2012, maaaring bisitahin ang website ng ahensya na www.csc.gov.ph. (JOEL O. AMONGO)
118