5-YEAR TERM SA BARANGAY OFFICIALS, ISINUSULONG SA KAMARA

BRGY-SK-TERM

(Ni ABBY MENDOZA)

KASABAY ng panukalang pagpapaliban ng 2020 Barangay Elections sa ta-ong 2023, isinusulong din sa House of Representatives na pahabain at gaw-ing 5 taon ang termino ng elected barangay officials.

Ayon kay Isabel Rep. Inno Dy na dating nagsilbing Barangay Chairman, maituturing na sobrang ikli ng 3 taong termino ng mga barangay at SK offi-cials, karaniwan umano na sa loob ng 1 hanggang 2 taon ang isinasaga-wang mga trainings at sa ikatlong taon pa lamang sana ang implementasy-on ng mga programa sa barangay subalit pinaghahandaan na muli ang ele-ksyon sa barangay.

Sa ganitong sistema umano ay maraming mga magagandang programa ang hindi naitutuloy lalo kung magkakaroon ng pagbabago sa pamumuno.

Karamihan umano sa mga barangay officials ay pabor sa panukala.

“Nung nasa Liga ng mga Barangay pa ako ay mas gusto nila na gawing 5-year term kahit na 2 consecutive terms lang kumpara sa kasalukuyan na sistema na 3 taon pero hanggang 3 term,” paliwanag ni Dy.

Kamakalawa ay una nang lumusot sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukala na naglalayong ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Inaprubahan ng komite na sa halip na sa Mayo 2020 ay gagawin na ito sa Mayo 2023.

Matatandaan na una nang hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na itakda sa Oktubre 2022 ang Baran-gay at SK Election subalit umapela ang Commission on Elections(Comelec) na panatilihin ang 1 year gap sa pagdaraos ng national at barangay elec-tion, ang susunod na national election ay Mayo 2022  kaya itinakda ang Ba-rangay election  sa taong 2023.

Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang postponement ay para mabigyan ng pagkakataon ang Comelec ng sapat na panahon upang makapaghanda lalo at katatapos lamang ng May 2019 midterm election.

233

Related posts

Leave a Comment