(NI BETH JULIAN)
INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hatian ng Pilipinas at China sa pinag aagawang teritoryo sa West Philippine Sea kung mas lamang ang Pilipinas sa makukuhang hati na 60/40.
“Payag na ako sa 60/40 na hatian kung matitiyak na ibibigay sa gobyerno ang 60% ng anumang makukuha sa pinag-aagawang teritoryo,” wika ng Pangulo.
Ayon sa Pangulo, ang nasabing usapin ay kanilang uupuan ni Chinese President Xi Jinping sa kanyang biyahe sa China sa katapusan ng Agosto.
Kabilang din sa pag-uusapan ay ang kawalan pa rin ng Code of Conduct na matagal nang pinag-uusapan sa tuwing may pagpupulong ang mga lider sa Asya pati na rin ang arbitral ruling pabor sa Pilipinas at ang mga yamang-dagat sa mga pinag-aagawang teritoryo .
“Well, sabi ko nga, one of the things. But the more important is DOC, the ownership, the COC plus ‘yung mineral na makuha diyan. And they have proposed a 60/40. Okay na ‘yan para sa akin. But that could be a later topic if we have time. Of course. Sixty in favor of our country,” giit pa ng Pangulo.
Binigyang-diin ng Pangulo na hindi niya papayagan ang sinumang dayuhang bansa na maglagay ng tropa sa teritoryo ng Pilipinas.
190