64 DISTRESSED OFW SA RIYADH, BALIK-PINAS

(NI ROSE PULGAR)

NASA 64 na distressed overseas Filipino workers (OFW) sa Riyadh, Saudi Arabia ang uuwi ng Pilipinas ngayon araw.

Kabilang dito ay ang isang Pinay worker na nakaranas ng pang-aabuso sa kanyang amo, tulad ng pananakit at hindi  binibigyan ng maayos na pagkain.

Kung saan ay isang beses lamang itong pinapakain  at 21 oras itong pinagtratrabaho ng kanyang employer.

Mula noong Agosto 22 ng taong kasalukuyan, base sa record ng Philippine Overseas Labor Office (POLO)-Riyadh, nasa 398 distressed OFWs na ang napauwi sa Pilipinas.

Sagot ng POLO at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang ticket ng 311 OFW habang sagot ng kanilang mga recruitment agency ang ticket ng 87 OFW.

Inaayos na rin ng POLO ang mga OFW na nasampahan ng mga kriminal na kaso.

“Maski alam natin na ‘di totoo kasi ‘yon ay ganti lang ng amo nila… ‘Yong iba ‘pag nadala sila sa kulungan, need ang police clearance at saka sila makakauwi,” ani Labor attache Nasser Mustafa.

Nagpapasalamat din si Mustafa sa gobyerno ng Saudi Arabia.

“Malaki ang naitulong ng Saudi Arabian government through Ministry of Labor and Social Development sa exit visa nila,” dagdag ni Mustafa.

Nangako naman ang POLO at OWWA na may matatanggap na financial assistance ang mga pauwing distressed OFW.

137

Related posts

Leave a Comment