(NI DAHLIA S. ANIN)
NAGHAHANDA na ang mga telecommunications companies, dahil ipatutupad na ngayong buwan ang migration o ang paglipat sa 8 digit telephone number format na dapat ay noong Marso pa sinimulang ipatupad.
Ayon sa Globe Telecom Inc, lahat ng telephone numbers ng Globe at Bayan subscribers ay tuloy na ang migration sa Oktubre 6.
“We are ready to migrate all costumers with landline in Greater Metro Manila to 8-digit telephone numbers,” ayon kay Globe general counsel Froilan Castelo.
Nauna nang ipinag-utos ng National Telecommunications Commission (NTC) ang migration ng telephone number kung saan ilalagay ang number 7 na identifier para sa mga Globe subscribers at number 8 naman para sa mga PLDT subscribers.
“PLDT subscribers and those calling them will have no difficulty adjusting to this number change. All they have to do is add the number ‘8’ at the start of the existing landline number. So, if your existing number is ‘1234-567’ then it will become 8123-4567,” ayon kay Ramon Isberto, PLDT and Smart public Affairs head.
Hinihikayat naman ng kumpanya ang customers nito na may area code na (02) na i-update na ang kanilang mga impormasyon sa kanilang mga callers.
Noong Marso 18, 2019 pa ipinag-utos ng NTC na simulan na ang pagpapatupad ng migration, ngunit nirequest ng mga banking stakeholders, tulad ng Bankers, Association of the Philippines (BAP) at Credit Card Association of the Philippines (CCAP) na huwag muna itong ipatupad.
243