800-K TAUHAN NG GOBYERNO, ITATALAGA SA MAY 13 ELECTIONS

halalan20

(NI NICK ECHEVARRIA)

UMAABOT sa 800,000 mga kawani ng gobyerno at mga National Government Office (NGOs) ang itinalaga para mangalaga sa ikatatagumpay ng nalalapit na 2019 midterm elections sa Lunes.

Sa isinagawang send-off ceremony, Martes ng umaga sa Camp Gen. Emilio Aguinaldo, pinakamalaki rito ang bilang ng mga guro mula sa Department of Education (DepEd) na may kabuuang 500,000 para magsilbing mga Board of Election Inspectors (BEI).

Sa panig naman ng Philippine National Police (PNP), nasa 1,404 na mga pulis ang sinanay na handang pumalit bilang BEI sakaling may mga hindi pumasok na mga guro kasama ang 160,000 na idedeploy para magbantay at tiyakin ang tahimik at maayos na election.

Aalalayan  naman ng 98,000 mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang PNP na ipakakalat sa buong bansa, ayon  kay  Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato.

Binigyang katiyakan din ni AFP Chief of Staff General Benjamin Madrigal Jr. na hindi nila bibigyan ng pagkakataon na makapaghasik ng kaguluhan ang mga komunistang New People’s Army (NPA), mga local terror groups at mga pribadong armadong grupo, sa kabila ng paglipat nila sa election mode mula sa dating combat mode nito.

 

217

Related posts

Leave a Comment