(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY RAFAEL TABOY)
MANANATILING mahirap ang 9 milyon contractual employees o Endo Workers sa pribadong sektor kapag nagtagumpay ang mga dayuhang negosyante na harangin ang Security of Tenure bill.
Ito ang pahayag ni TUCP party-list Rep. Raymond Mendoza, matapos mag-lobby umano ang mga dayuhang negosyante at ng kanilang mga chamber sa Palasyo ng Malacanang para huwag lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing panukala.
“If these foreign businessmen succeed, 9 million precarious ENDO workers and their families will forever be in a poverty trap. Our workers will continue in a race-to-the-bottom towards deeper poverty, forever tied to subsistence wages, poor social protection, unsafe working conditions with no security of tenure,” ani Mendoza.
Hanggang ngayon ay hindi pa nilalagdaan ni Duterte ang nasabing panukala na 19 taon umanong ipinaglaban sa Kongreso bago naipasa na siyang tatapos umano sa Endo scheme.
Sa ilalim ng Endo, hanggang limang buwan lang magtatrabaho ang mga kinukuhang manggagawa ng mga negosyante kaya nakaiiwas ang mga ito sa mga kompensasyon na nararapat para sa mga manggagawa.
“Contractualized workers will always be like disposable diapers na itatapon na lang matapos gamitin at pakinabangan,” ani Mendoza.
Dahil umapela si Mendoza sa mga dayuhang negosyante na huwag makialam sa panloob na polisiya ng Pilipinas dahil ang kanilang ginagawa ay direktang pagbastos sa soberenya ng bansa.
“They should be ashamed of themselves. It has taken 19 years in Congress for the SOT bill to reach this stage and now, they will stand in the way of the struggle of Filipino workers and their families’ struggle for decent work through secure and regular jobs,” ayon pa kay Mendoza.
162