91 OFWs BAGONG KASO NG HIV AIDS; BILANG TUMAAS PA

aids

(NI ABBY MENDOZA)

PATULOY ang pagdami ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na tinatamaan ng human immunodeficiency virus (HIV) kung saan nitong Marso ay may 91 na namang bagong kaso.

Ayon kay ACTS-OFW Partylist Rep John Bertiz, ang nasabing bilang ay mas mataas ng 14%  kumpara noong buwan ng Pebrero.

Sa kabuuang kaso na 65,463 confirmed cases ng National HIV/AIDS Registry ay 10% nito ay mga OFW.

“The OFWs in the registry worked abroad within the past five years, either on land or at sea, when they were diagnosed HIV-positive,” pahayag ni Bertiz.

Sa datos ng DoH, ang 32% ng mga kaso ng OFWs na tinamaan ng HIV ay sa Metro Manila na may 2,110 cases,  Calabarzon (1,139 cases, o 17 percent)  Central Luzon (761 cases, o12 percent).

Nabatid na 5,635, kaso ay mga lalaki na nakuha ang sakit sa male to male sex habang  889 kaso ay mga babae.

Kasunod ng pagtaas pa rin ng kaso ng HIV cases sa mga OFWs, umapela si Bertiz sa Department of Labor and Employment (DOLE) na magkaroon ng “highly improved support” sa mga OFWs na tinamaan ng sakit alinsunod na rin sa itinatakda sa AIDS Prevention and Control Law na naisabatas ngayong taon.

 

 

148

Related posts

Leave a Comment