ABALOS IPOKRITO – NETIZENS

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

MULING lumutang sa social media ang lumang larawan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. kung saan makikitang may kayakap siyang babae na mas bata sa kanya.

Base sa komento ng netizens, kuha ang larawan noong 2009 at inamin na rin umano ni Abalos na naging karelasyon ang babae noon at alam iyon ng kanyang pamilya.

Mistulang tugon ito ng mga netizen sa pagkastigo ni Abalos sa maaanghang na pananalita ni Davao City Mayor Baste Duterte laban sa administrasyong Marcos at sa liderato ng Kamara.

Matatandaang muling binanatan ng batang Duterte si House Speaker Martin Romualdez dahil sa malinaw umanong paggamit nito sa ayuda para sa pansariling interes.

Sa Hakbang ng Maisug Prayer Rally sa Cebu City noong Linggo ng gabi, hinamon pa niya si Romualdez na tanggalin ang pangalan sa mga ipinamamahaging ayuda.

Ang prayer rally sa Cebu ay kasabay ng paggunita sa EDSA People Power 1 upang tutulan ang Charter change na itinutulak ng kasalukuyang Kongreso.

“Sige, lokohin niyo pa kami! Lokohin niyo pa kami!” may himig ng paghahamon na pahayag ni Duterte patungkol kay Romualdez.

Nakarating umano sa kaalaman ng alkalde na tadtad ng pangalan ng lider ng Kamara ang mga ayudang pinamigay sa mga biktima kamakailan ng pagbaha sa Davao Region.

“Sa sunod na may sunog, sige hinahamon kita! Magbigay ka ng ayuda na walang pangalan at mukha mo! Sige?” aniya.

Kasunod nito, nagpahayag ng pagkabahala si Abalos Jr. sa aniya’y ‘disturbing’ at hindi angkop na pananalita ng mga public servant.

Giit pa ng DILG chief, ang bawat opisyal ay dapat nagsisilbing ehemplo sa kanilang mga nasasakupan o constituent.

Punto ni Abalos, na ang mga ito ang tumatayong kinatawan ng kanilang komunidad at kabataan.

Kinakailangan rin aniyang iwasan ang paggamit ng mga bastos na pananalita at isaisip sa lahat ng oras ang Code of Ethics.

Gayunman, tila maraming naipokritohan sa pahayag ni Abalos dahil may resibo umano ng pambababae nito.

Kasabay nito ay umikot sa Facebook at X ang larawan ni Abalos noong siya ay alkalde na may kasamang ibang babae.

Basahin ang bahagi ng kulitan ng mga netizen:

Inosuke:

“Quite disturbing and inappropriate” – Benhur Abalos

Mr. Xi:

Ano nga ulit yung kuda ni Benhur Abalos ??? GMRC ba????

jaguar:

Magpakabait kayo , ako naman mangangabit..

Alexis:

Anak niya?

Arlin:

Ngayon nyo lang inilalabas ‘yan, pero nung ka-DDS nyo pa sya dedma lang? Bakit?

Manon:

Parepareho poon nyo dude…uniTAE pa more….golden age na….uwi na…

uhhmm ok:

Hahaha ungkatan ng mga past!! Unitae!!

Carwood:

Kesyo nagpalabas ng statement against Duterte kaya nilabas to. Classic DDS move. Umay! Iyak pa more DDSh*ts

Connie:

Mandaluyong residents have heared of the constant talk, he likes the ladies.

Ron:

Inamin niya na. He loves her. Idk kung meron sila anak pero recently hiniwalayan niya na. Tanggap ng asawa niya na meron siyang iba pero sa bahay naman daw nila siya umuuwi.

andres:

Petty, just like that? Totoo kahit Isang pirasong buhangin, ay kaya Kang perwisyuhin in the right time and place. How pitiful. Ang Tanong, sinu nagkalat? Observer lang po Ako. Enthusiast.

Che:

11 years ago pa yan.

Nathaniel:

Alam ba ni mayora Menchie yan

Carl1988:

Baka deepfake Yan or AI

Kiro:

Halatang photoshopped eh

oleg:

Ahaaha same2 lang sila pati si pduts

albert:

yun lang…tsk tsk tsk…mahirap talagang magtago ng baho..lahat naman halos sa kanila eh merong itinatago, malas lang nila pag lumabas..

40

Related posts

Leave a Comment