‘ACDC’, BAYARAN SA MEDIA INUPAKAN NI DU30

duterte212

(NI BETH JULIAN)

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na huwag maniwala sa mga istoryang ginagawa ng mga mamamahayag na tinatawag na  “ACDC” o attack-collect / defend-collect practice.

Kasabay ito ng pagbanat ng Pangulo sa mga mamamahayag na nagsasagawa nito kung saan umaatake o dumedepensa sa isang tao kapalit ang malaking halaga bilang kabayaran lalo na ngayong campaign season.

Ayon sa Pangulo, gumagawa at nagsusulat ng mga political attacks ang mga ito at tumatanggap ng bayad mula sa kanilang mga kliyente.

Dahil dito, hindi rin makaliligtas sa Pangulo ang mga journalist na pinoprotektahan ang mga mayayaman habang inaatake ang mga public servant.

Inihalimbawa ng Pangulo ang isyu sa kanya kaugnay sa kanyang yaman at idinepensa ang kanyang pagkakaroon ng law office at motorcycle trading.

Dito na iginiit ng Pangulo na hindi na dapat pakialaman ang anumang perang kinikita sa labas ng gobyerno.

 

67

Related posts

Leave a Comment