ACIERTO KABILANG SA ‘NINJA COPS’ – DU30

aciero12

(NI BETH JULIAN)

KABILANG umano si dating police sr. supt. Eduardo Acierto sa mga ‘ninja cop’, o pulis sa mga nagre-recycle ng mga nakumpiskang ilegal na droga.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa pagtitipon sa Koronadal City, South Cotabato.

Ayon sa Pangulo, kilala si Acierto at kasamahan na si Ismael Fajardo sa pagre-recycle ng drugs at sa paggawa ng kwento.

Inihalimbawa pa ng Pangulo ang pag-frame-up umano ni Acierto kay Marine Col. Ferdinand Marcelino na sangkot umano sa shabu laboratory sa Maynila pero kalaunan ay naabswelto rin sa kaso.

Bukod dito ay sangkot din umano si Acierto sa pagdukot sa dayuhang negosyante na si Jee Ick Joo.

Pagkatapos naman ng pahayag ng Pangulo ay hinamon nito si Acierto na mag face-off sila o magbarilan.

Si Acierto ang nag aakusang sangkot sa ilegal na droga si dating presidential economic adviser Michael Yang.

256

Related posts

Leave a Comment