AFP BANTAY-SARADO SA ‘SPY AGENT’ NA NATIKLO NG PNP-CIDG

MASUSING tinututukan din ng Armed Forces of the Philippines ang hinihinalang Chinese spy na nadakip ng mga tauhan ng Philippine National Police na nahulihan ng baril, high-tech communication gadgets, cellular interceptor device, tablets, cellphone at drone.

Ayon kay Col. Francel Margareth Padilla, AFP Spokesperson, mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa PNP-Criminal Investigation & Detection Group hinggil sa nahuli nilang Chinese national na nanutok ng baril at nakuhanan ng kahina-hinalang mga gamit na posibleng pang-eespiya.

“The AFP commends the CIDG and local law enforcement for their swift action in apprehending Mr. Yuhang Liu in Makati City. The discovery of firearms and sophisticated electronic equipment is concerning and underscores the importance of vigilance.”

“We are closely coordinating with relevant authorities to determine the full scope of this incident. Ensuring national security remains our top priority, and we are committed to supporting ongoing investigations,” lalo na at ito ay isang banyaga,” dagdag pa ni Col. Padilla.

Si Mr. Yuhang Liu, isang Chinese national, ay inaresto dahil sa reklamong panunutok ng baril, subalit nang dakpin ito ay nakumpiska sa kanya ang baril, cellular interceptor device, tablets, cellphone at drone at electronic equipment na hinihinalang magagamit din sa hacking.

Kaugnay nito, inihayag ni Col. Padilla, aalamin nila ang lawak ng insidente dahil maituturing itong may kinalaman sa national security.

Maging sila kasi ay nababahala sa nakumpislang mga sophisticated electronic equipment sa naturang Chinese national na nagpakilalang dating empleyado ng POGO.

Ayon kay PNP-CIDG Spokesperson Lt.Col. Imelda Reyes. kasama sa mga nakuha sa Chinese ang iba’t ibang high-tech na gadgets, equipment set na may circuit board, portable power station, military-Grade drone, high-powered firearm, cellular interceptor device, tablets, cellphone na maaari umanong mga gamit sa pang-eespiya.

Sinabi pa ni P/Lt. Col. Reyes, ang ilan sa kanilang nakumpiskang gadgets mula sa nasabing Chinese national ay wala ang PNP, dahilan kung bakit nagpasaklolo na rin aniya sila sa mga eksperto upang i-validate ang mga ito at alamin na rin kung ano ang operasyon ginagawa nito. (JESSE KABEL RUIZ)

52

Related posts

Leave a Comment