(NI JESSE CABEL)
NILINAW ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na may mga ebidensiyang hawak ang Philippine National Police laban sa 46 na tinaguriang narco politicians base sa kanilang isinagawang validation.
Ayon kay Usec Derrick Carreon ng PDEA, may hawak silang ebidensiya maging ang PNP laban sa mga nakapaloob sa hawak nilang narco list.
Sa pahayag ni Carreon, patuloy lamang umano ang ginagawang pangangalap ng dagdag na ebidensiya para hindi makalusot ang mga ito oras na sampahan sila ng kasong criminal .
Inihayag pa ni Carreon na makatutulong nang malaki ang ginagawang hiwalay na pagsisiyasat ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) laban sa 46 na umanoy narco politicians.
Malaking bagay umano ang ginagawang pagsisiyasat ng AMLC dahil posibleng sangkot din sa tax evasion at money laudering ang mga nasa listahan na ilan sa kanila ay mga protectors.
158