ANO ANG NANGYARI SA MGA FILIPINO?

FOR THE FLAG

Nalito na ang Filipino. Hindi maresolbahan ang mabigat na trapiko. Hindi maresolbahan ang pagtatapon ng basura. Hindi maresolbahan ang pasikip na pasikip na mga kalye dahil sa mga illegal vendor at mga iskwater. Hindi maresolbahan ang namamatay na mga ilog dahil sa mga basurang gawa ng mga malalaking kompanya at mga kababayang wala lang pakialam sa pagtatapon ng kanilang mga basura sa mga waterway.

Nalito na ang Filipino. Napapayag sa K-12 at na­dagdagan ng dalawang taon sa pag-aaral bago makamtan ang inaasam na diploma samantalang kung kukwentahin kasama ang pre-school ay 12 taon naman pala ang natatapos na dati pa.

Nalito na ang Filipino. Tanggap na nila ang korapsyon sa gobyerno, nagpapanting na lamang ang tenga kapag bilyun-bilyong piso na ang nadirinig na ninanakaw ng mga opisyal. Tanggap na nila ang political dynasty at panunuhol ng mga kandidato kada eleksyon. Tanggap na nila ang pangingikil ng mga NPA at korapsyon sa corporate sector.

Nalito na ang Filipino. Tsitsirya na lamang ang kayang i-manufacture, pati toothbrush kailangan nang i-import. Ang pinakamagaling na propesyon para sa kanila ay ang pag-aartista o ang pagtama sa lotto. Ngayon pwede na ring dream profession ang pagiging boksingero.

Kahit sa kakulangan sa height, favorite sport pa rin nila ay basketball at nangangarap pa ring maging number 1 sa buong mundo sa larangang ito, samantalang ang mga magaga­ling sa ibang sport katulad ng chess ay pinababayaan.

Kapag sumikat sa pag-aartista o naka-jackpot sa abroad, pwede nang maging politiko dahil gobyerno pa rin ang pinakamalaking industriya sa Pilipinas pwede nga namang maging instant multi-milyonaryo. Ang iba ay sa ilegal kumukuha ng pondo para sa inaasam na mga pangarap.

Nalito na ang mga Filipino. Idol na ang mamang lespu na yumaman dahil sa pagprotekta sa droga. Bida ang mga nakapagnakaw ng bilyun-bilyon sa pamahalaan nang hindi naaasunto. Nalito na ang Filipino, takbo ng takbo dala ang mga paninda upang takasan ang gobyernong sila ang lumikha.

Nalito na ang Filipino. Mas maigi na sa kanilang magtext o maglaro hawak ang kanilang smartphone kaysa makipag-usap sa kanilang pamilya.

Bakit kaya, ano ba ang lumito sa Filipino? (For the Flag / ED CORDEVILLA)

155

Related posts

Leave a Comment