LAST Wednesday ay isang historic dialogue ang in-organize ng Chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Liza Diño-Seguerra, with movie producers and theater owners at distributors.
Kabilang sa giant movie producers na dumalo ay sina Malou Santos (Star Cinema), Mother Lily Monteverde (Regal Entertainment), Vincent Del Rosario (Viva Films), Orly Ilacad (OctoArts Films), Dondon Monteverde at Erik Matti (Reality Entertainment), at iba pa. Ang agenda ay hanapan ng solusyon ang mga problema ng industriya, partikular na ang patuloy na hindi pagpatok sa takilya ng maraming local movies.
Unang napagkasunduan ang opisyal na paglipat ng opening day ng local movies from Wednesday to Friday, dahil mas may chance na lumakas ang Pelikulang Pinoy kung weekend ang opening, at maiwasan ang “first day-last day” showing.
Tulad ng suggestion ni Direk Jose Javier Reyes (na nailathala namin dito) — “movie producers must unify and talk,” sa sinasabing “dying” movie industry.
Wala pa nga lang announcement kung kailan sisimulan ang Friday opening, dahil pre-booked na until May ang ilang pelikula na may Miyerkoles pa ring opening, tulad ng Maledicto ng Fox Philippines (on May 1) at ang Kuwaresma ng Reality (on May 15), as tweeted by its lead star Sharon Cuneta.
Ang nasabing meeting ay isang magandang simula at nagpakita ng “willingness of all parties (finally) to sit, talk, LISTEN and accept each other’s sentiments calmly and in good faith.”
“A new beginning… so we can all be hopeful for the future of this industry. At the end of the day, we have but one common goal: to support, nurture and uplift our LOCAL FILM INDUSTRY,” post ni Liza.
Ang next target ng FDCP ay kung papaano mapapababa ang entertainment taxes na dahilan para maging sobrang taas na ng movie tickets, ang pagbuo ng guidelines ng pagpapalabas agad ng mga pelikula sa streaming platforms, at iba pa.
***
GMA Pictures na ang bagong pangalan ng GMA Films, na ilang taong nag-“lie low” sa pagpo-produce ng mga pelikula. Ayon sa source, ang GMA entertainment group na ang mamamahala rito, headed by Lilybeth Rasonable, Redgie Acuña-Magno, at Bang Arespacochaga. Si Atty. Felipe Gozon pa rin ang big boss as executive producer.
Buwena manong project ang Family History kung saan bida, writer, producer, at direktor si Michael V., kapareha si Dawn Zulueta at may special participation si Eugene Domingo. Co-produced ito ng Mic Test Entertainment owned by Michael and his wife
Ayaw pang banggitin ni Michael kung ano ang “genre” ng pelikula, basta “complicated” daw, pero panalo ang istorya.
Nagustuhan ng GMA bosses ang story concept nito, kaya ito ang magsisilbing first movie ng “pagbabalik” o pagiging aktibong muli ng film arm ng Kapuso network. Nagsimula na itong mag-shoot and we heard middle June of this year ang target playdate.
189