ANDANAR BLANGKO SA MAGIGING PRESS SECRETARY

(Ni LILIBETH JULIAN)

Inihayag kahapon ni Presidential Communications Operation Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na blangko pa sila kung sino ang magiging press secretary.

Ayon kay Andanar, sa ngayon ay nirerebisa na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang draft ng executive order na lilikha ng Office of the Press Secretary.

Sinabi ni Andanar na dumaan na sa opisina ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang naturang EO at sakaling malagdaan na ito ay malulusaw na ang PCOO at papalitan ng Office of the Press Secretary.

Gayunman, mariing pinabulaanan ni Andanar na si dating Congressman Gilbert Remulla ang napipisil ni Pangulong Duterte na maging press secretary at wala pa rin abiso ang Pangulo kung sino ang iluluklok sa puwesto.

“Qualified naman ni Remulla sa puwesto lalo na’t dating mamahayag at nagtapos pa sa Columbia University sa America,” pahayag ni Andanar.

4

Related posts

Leave a Comment