ANDAYA SUSUGOD SA SC; DIOKNO PIPITPITIN

andaya

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAGHAHAIN ngayong umaga sa Korte Suprema ng Writ of Mandamus si House Majority Leader Rolando Andaya Jr., para obligahin ang Department of Budget and Management (DBM) na ituloy ang 4th tranche ng Salary Standardization Law (SSL) 4.

Ito ang inanunsyo ng tanggapan ni Andaya ukol sa kanyang ihahaing petisyon sa Korte Suprema ngayong alas-11:00 ng umaga dahil ipinagpaliban ang 4th tranche ng SSL 4 dahil hindi pa naipapasa ang 2019 national budget.

Ang mandamus ay isang hudisyal na remedyo sa anyo ng isang utos mula sa isang superyor na korte, sa anumang korte ng korte ng pamahalaan, korporasyon, o pampublikong awtoridad, na gawin ng ilang partikular na batas na ang katawan ay obligado sa ilalim ng batas na gawin, at kung saan ay sa likas na katangian ng pampublikong tungkulin, at sa ilang mga kaso isa sa isang tungkulin ayon sa batas. Hindi ito maaaring ibilang upang pilitin ang isang awtoridad na gawin ang isang bagay laban sa batas na probisyon.

Unang nagbanta si Andaya na dalawang linggo na ang nakakaraan na maghahain ito ng mandamus kapag hindi ni-release ni Secretary Benjamin Diokno ang ikaapat at huling bahagi ng SSL 4 ng mga empleyado ng gobyerno.

Unang ipinatupad ang SSL 4 sa pamamagitan ng Executive Order (EO). No.201 na inilabas ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III noong Pebrero 19, 2016, para sa dagdag na sahod ng mga empleyado ng gobyerno.

Ngayong taon ang huling pagtataas ng sahod ng mga empleyado ng gobyerno kasama na si Pangulong Rodrigo Duterte subalit ipinagpaliban ito ni Diokno dahil hindi pa naipapasa ang 2019 national budget na nagkakahalaga ng P3.757 Trillion.

Ayon kay Andaya, may pondo ang SSL 4 sa ilalim ng reenacted budget o ang paggamit sa 2018 budget par sa SSL 4 na P100 bilyon kaya walang dahilan para hindi ito irelease ni Diokno.

 

 

 

 

5

Related posts

Leave a Comment