APP PARA MALAMAN ANG LAKI NG TSUNAMI, INILUNSAD NG PHIVOLCS

(NI ABBY MENDOZA)

ISANG website application na nagbibigay impormasyon sa tsunami risk ang inilunsad ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ang GeoAnalyticsPH ay isang app na isinagawa ng GeoRisk Philippines, isang website na nagbibigay ng summary reports sa tsunami exposure sa mga barangay, municipalities at mga probinsiya.

Ang GeoAnalyticsPH ay maaring makita sa  https://geoanalytics.www.georisk.gov.ph/

Ayon kay Mabelline Cahulogan, ng GeoRisk Philippines, ipinakikita ng app ang populasyon na tatamaan ng tsunami gayundin kung gaano kalaki ang parating na tsunami.

“The website application aims to be the central source of information for accurate and efficient hazard and risk assessment helping the local and national governments in disaster management,” ayon kay Cahulogan.

Makatutulong umano ang nasabing app lalo sa gobyerno para matukoy kung ano ang kailangang gawin sa harap na rin ng banta ng tsunami.

 

203

Related posts

Leave a Comment