(NI BERNARD TAGUINOD)
LALONG lalala ang ASF (African Swine Flu) scare sa bansa dahil ayaw ng Department of Agriculture (DA) na pangalanan ang processed meat na natuklasang nagpositibo sa nasabing sakit ng baboy.
Ito ang ibinabala ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo kaya nanawagan ito sa DA na pangalanan na kung sino ang may gawa ng processed meat na nagpositibo sa ASF.
“Keeping the public guessing would only fuel unnecessary ASF scare on all these products that could affect supply and prices,” pahayag ni Castelo kaya dapat na umanong pangalanan ng DA ang manufacturer na mula sa Luzon.
Sinabi ng kongresista na posibleng maapektuhan din ang iba pang processed meat dahil natatakot na ang mga tao na kumain ng hotdog at tocino dahil sa pagtanggi ng ahensya na pangalanan ang manufacturer.
“So the DA should be transparent as public welfare and meat businesses are of paramount concern,” dagdag pa ng lady solon.
Nakiusap naman si BH party-list Rep. Bernadeth Herrera sa mga hog raiser na makipagtulungan sa gobyerno upang hindi na lumala ang pagkatakot ng mga tao sa pagkain ng baboy.
Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil may mga ulat na itinatago ng ilang hog raisers ang kanilang may sakit na alagang baboy at kinakatay ang mga ito para gawing processed meat.
“Tiwala tayo sa pahayag ng DOH na hindi nakahahawa sa tao ang African swine flu, ngunit paano kung ang baboy na ginawang karne ay namatay na dahil sa ASF at dahil doon humina ang resistensiya nito at nagkaroon ng ibang sakit? That pork would not be safe for people to eat because it did not come from a healthy pig,” ani Herrera.
226