ATENEO DE MANILA NANGUNA SA BAR EXAMS

bar exams12

(NI DAHLIA S. ANIN/PHOTO BY KIER CRUZ)

INILABAS na ngayong araw ang resulta ng Bar Exams 2018 ng Korte Suprema.

Ayon sa Supreme Court 22.07 % lamang mula sa 8,155 na kumuha ng exam ang pumasa na mas mababa sa 25.5% noong nakaraang taon.

Si Sean James Borja, ng Ateneo de Manila University ang nanguna mula sa 3 nasa top 10 na kapareho niya ng paaralan. Narito ang listahan ng 10 estudyante na nanguna sa 2018 Bar Exam

  1. Borja, Sean James- Ateneo de Manila
  2. Natu-el,Marcley Augustus – University of San Carlos
  3. Badayos, Mark Lawrence- University of San Carlos
  4. Fordan, Daniel John- Ateneo de Manila
  5. Gaw, Katrina Monica- Ateneo de Manila
  6. Tongco, Nadaine- Univesity of the Philippines
  7. Sevilla, Patricia- University of the Philippines
  8. Ting, Kathrine- De La Salle University
  9. Cane, Jebb Lynus- University of San Carlos
  10. Pita, Alen Joel- University of San Carlos

Nasa 75 percent ang passing grade ngayong taon. At ito ang taon kung saan nailista ang pinakamaraming bilang ng kumuha ng Bar exams.

Ang Bar exams ay isinagawa noong November 2018 ng apat na Linggo sa University of Santo Tomas.

Saklaw ng Bar exams ang ilang subject tulad ng Political Law, Civil Law, Labor Law, Taxation, Mercantile Law, Criminal Law, Remedial Law at Legal Judicial Ethics.

180

Related posts

Leave a Comment