P1 DAGDAG-PRESYO SA SARDINAS, NOODLES

grocery500

(NI DAHLIA S. ANIN)

SIMULA Mayo 4, magtataas-presyo ang ilang brand ng sardinas, instant noodles, bottled water at ilang condiments.

Ito ay matapos payagan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang dagdag-presyo.

Tataas ng P0.50 hanggang P1.00 ang sardinas na may local brand at P1.37- P1.70 pesos naman sa mga imported na brand.

Maging ang instant noodles ay magtataas ng P0.20-P0.45 centavos kada pakete, ganun din kada container ng toyo at patis.

Bawat pakete namang ng asin ay tataas ng P0.55 hanggang P2.00. At P0.30 naman kada pakete ng sabon.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, hindi man nila mapigilan ang pagtaas ng presyo, may choice o pagpipilian naman ang mga tao kung anu ang gusto nilang brand na bilhin.

Ilan lamang naman daw ang nagtaas at ang iba ay nanatili sa dati nilang presyo.

Sila ang masusunod kung ano at saan sila makatitipid sabi ni Castelo.

70

Related posts

Leave a Comment