PAGDAKIP SA UPLOADER NI ‘BIKOY’ MALAKING TULONG – PNP

bikoy1234

(NI NICK ECHEVARRIA)

MALAKING tulong sa Philippine National Police (PNP) ang pagkakadakip ng National Bureau of Investigation (NBI) sa nag-upload ng video ni alyas “Bikoy” para matunton ito ng mga awtoridad.

Sinabi ni PNP spokesperson P/Col. Bernard Banac, aalamin nila kay Rodel Jayme kung sino ang nasa likod at saan nakuha  ang  ini-upload na mapanirang video na pinamagatang “Ang Totoong Narcolist” na nag-uugnay sa Pangulong Rodrigo Duterte at sa kanyang pamilya sa iligal na droga.

Sa  “Oust Duterte Matrix” ng Malakanyang, lumalabas na si ‘Bikoy’ang nasa likod na nabunyag na planong pagpapatalsik sa Pangulo sa pamamagitan ng ipinakakalat na video.

Gayunman inamin ni Banac na dahil wala pa naman silang natatanggap na reklamo sa ngayon tanging pagmo-monitor lamang at pangangalap ng impormasyon ang magagawa ng PNP para matukoy kung sino si ‘Bikoy’.

Nais malaman ng PNP mula kay ‘Bikoy’  kung sino at ano ang basehan ng mga nasa likod ng inilabas na mga mapanirang impormasyon sa social media.

240

Related posts

Leave a Comment