AUTOMATIC CIVIL SERVICE ELIGIBILITY ISINULONG NG ISANG PARTYLIST GROUP BILANG SAGOT SA ENDO

(Ni ABBY MENDOZA)

May isang milyong manggagawa mula sa gobyerno at pribadong sektor ang makikinabang sakaling maisabatas ang House Bill 8620 o ang Automatic Civil Service Eligibility Act.

Layon ng House Bill 8629 na inihain nina  Kabayan Partylist Reps  Ron Salo at Paul Hernandez na gawing eligible at regular sa trabaho ang mga nagsilbi sa loob ng 3 magkakasunod na taon sa gobyerno at mga manggagawang contractual, casual at job order na 5 taon nang nagtrabaho.

Sa kasalukuyang sistema ay nagiging regular ang isang empleyado ng pamahalaan o nabibigyan ng plantilla position kapag nakapasa ito sa Civil Service Exam at nabigyan ng eligibility.

Ani Salo hindi dapat maging hadlang sa pagiging regular ng mga empleyado ang hindi pagpasa sa civil service exam kaya dapat maging awtomatiko na eligible ang mga ito dahil na rin sa tagal na ailamg nagtatrabaho.

Sa oras umano na makuha na ang regular status ng mga kawani ay dapat ma-enjoy na din ang full benefits bilang regular civil service employee.

Giit ni Salo,ang pagsasabatas ng panukala ay magpapalabas ng posisyon at polisiya ng pamaha-laan na tapusin ang endo.

Sa oras na maging ganap na batas ang panukala, nasa 660,000 contractuals sa gobyerno at 300,000 endo workers sa pribadong sektor ang maaaring ma-regular sa trabaho.

4

Related posts

Leave a Comment