AYAW SA ENDO PERO.. 660-K ENDO WORKERS NASA GOBYERNO

duterte12

(NI BERNARD TAGUINOD)

BAGAMA’T  itinutulak ng gobyerno ang pagre-regular sa mga endo workers sa pribadong sektor, mahigit 660,000 pa rin ang contractual, casual at job order (JO) workers o ang mga tinatawag na endo workers sa gobyerno.

Ito ang napag-alaman kay House deputy  minority leader Harlin Neil Abayon., kung saan pinakamarami sa mga manggagawang ito ay nagtatrabaho sa Local Government Units (LGUs) na umaabot sa 463,551.

Sumunod dito ang National Government Agency (NGA) na mayroong  120,273 contractual at JO workers; 36,249 sa Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs); 31,639 sa State Universities and Colleges (SUC) at 8, 678 sa Local Water District (LWD).

Sinabi ng mambabatas na kailangang bigyan na umano ng pansin ang mga endo workers sa gobyerno upang magkaroon na ng security of tenure ang mga mangagawang ito sa gobyerno.

Nais ng mambabatas na simulan ang pagre-regular ngayong taon (2019)  sa pamamagitan ng 264,000 bakanteng posisyon sa gobyerno na hindi nilalagyan ng mga tao kahit mayroon nang pondo.

“This year, the bulk of the endo personnel should be moved into the 264,000 current vacant positions. That can be 40 percent of the endo problem solved in this year alone,” ani Abayon.

Kabilang sa bakanteng posisyon na ito na hindi nilalagyan ng tao ay ang 120,000 sa teaching and teaching related positions; 90,00 General Service Servants; 34,000 military at uniformed personnel at 14,000 sa medical and allied medical jobs.

Naniniwala ang mambabatas na mareresolba ang endo na ito sa gobyerno kung taun-taon mula sa 2020 hanggang 2024 ay magdaragdag ng 80,000 plantilla sa gobyerno.

101

Related posts

Leave a Comment