Babarilin, istruktura wawasakin ‘MALILIGAW’ SA WPS, PATAY *New Coast Guard law ng China epektibo ngayon

(DANG SAMSON-GARCIA)

PINAG-IINGAT ng isang senador ang mga pumapalaot na mangingisda ngayong epektibo na ang bagong batas ng China Coast Guard laban sa mga papasok sa mga inaangkin nilang teritoryo sa bahagi ng South China Sea.

Sa bagong batas ng China na epektibo ngayong araw, February 1, gagamitan na ng armas ang sinomang papasok sa kanilang teritoryo at ide-demolish ang anomang istruktura na nasa kanilang lugar.

Kaugnay nito, iginiit ni Senador Francis Tolentino na dapat pangunahan ng Pilipinas ang iba pang bansa na may claim sa West Philippine Sea sa paghahain ng reklamo sa United Nations laban sa bagong batas ng China.

“Malaki impact nito effective ito [ngayon]. Kaya nung nag-privilege speech ako nagsabi na rin ako ng konting babala sa mga mangingisda na papalaot na mag-ingat din,” pahayag ni Tolentino.

Sinabi ng senador na dapat ay magpulong ang mga bansang may claim sa West Philippine Sea para sa nagkakaisang hakbangin laban sa China.

“Within this week, kung titignan ang Asean charter, ang claimant nation sa West Philippine Sea magkaroon ng emergency meeting kahit virtual meeting, di lang naman tayo eh, Vietnam, Taiwan, Brunei ganun din, pwedeng magkaroon ng emergency meeting pag-usapan ano pwedeng gawin, pwede tayo mag-file joint diplomatic protest sa UN,” diin ni Tolentino.

Kasabay nito, hinimok ng senador ang Department of Foreign Affairs na pagpaliwanagin ang Chinese Ambassador at maging ang embahada ng Pilipinas sa Beijing kung ano ang kanilang mga aksyon sa bagong batas.

49

Related posts

Leave a Comment