Bagong variants nakapasok na NTF NAKATUTOK SA PAGSIPA NG COVID-19 CASES

MASUSING mino-monitor ng gobyerno ang posibleng pagsirit ng active coronavirus cases sa bansa sa kalagitnaan ng Mayo dulot ng mass gatherings ngayong kampanya at paglitaw ng Omicron subvariants sa ibang bansa.

Sinabi ni NTF chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr., na may ilang lugar ang magiging vulnerable sa sakit sa pagdating ng bagong kaso bunsod ng kanilang mababang vaccination coverage.

“During our regular T3 (Test, Trace and Treat) meeting yesterday with the private sector and also some experts, Father Nic Austriaco presented the emergence of the three Omicron variants. Two from South Africa and one in the US. He predicted that with these three variants, it is very likely that at least one or even maybe all of these variants will hit the Philippines,” ang iniulat ni Galvez kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Talk to the People ng huli, araw ng Miyerkoles.

Ang Task Force T3 (Test, Trace and Treat) ay kinabibilangan ng multi-sectoral public-private consortium ng mga kompanya at organisasyon, tumutulong sa pamahalaan na i-identify ang itinuturing na “most urgent requirements” para labanan ang COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Galvez na ang Omicron sub-lineages BA.4 at BA.5 variants na kamakailan lamang na-monitor sa South Africa at Europa ay kapwa idineklara ng health experts bilang “variants of concerns that” that can possibly cause “a global economic downturn and
reinstatement of travel restrictions.”

Kaya ang babala ni Galvez, ang mga variant ay maaaring maging
dahilan ng pagtaas ng COVID-19 sa oras na lumitaw na ito sa Pilipinas.

Tinukoy rin ni Galvez ang pinakahuling data mula sa Department of Health kung saan mayroong pagtaas ng kaso sa 13 lugar na kamakailan lamang ay inilagay sa ilalim ng “most lenient” Alert level 1 system. (CHRISTIAN DALE

107

Related posts

Leave a Comment