BAGYONG ‘FALCON’ NAMATAAN SA VIRAC, CATANDUANES

pagasa

NAGING tropical depression na ang binabantayang low pressure area sa Visayas at posibleng makapadulot ng malakas na pag-ulan ngayong linggo, ayon sa Pagasa.

Namataan ang bagyong ‘Falcon’ sa 990 kilometers east ng Virac, Catanduanes ng alas-4:00 ng madaling araw ngayong Lunes na may lakas ng hangin ng 45 kilometers per hour at bugso na 60 kph, sabi ng Pagasa. Kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Bicol Region at Eastern Visayas ngayong Lunes dahil sa ekstensiyon ng bagyong ‘Egay’, babala pa ng ahensiya.

Ang Mimaropa, iba pang bahagi ng Visayas at Mindanao ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan dahil sa southwest monsoon o habagat.

Bukas, Martes, ay magkakaroon ng malalakas na monsoon rains sa Mimaropa, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Sulu Archipelago, dagdag pa ng Pagasa.

Ang bagyong ‘Falcon’ ay babagsak sa lupa sa Luzon’s northern tip sa Miyerkoles o Huwebes, ayon kay weather forecaster Lorie Dela Cruz.

Malalakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa Miyerkoles sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Calabarzon, at Western Visayas dahil sa pinaghalong lakas ni ‘Falcon’ at habagat.

Ang bagyo ay lalabas sa bansa sa Huwebes kung magpapatuloy ito sa pagkilos sa north northwest sa 20 kph.

153

Related posts

Leave a Comment