BAN SA PRIVATE VEHICLES SA EDSA? BALIW NA IDEYA – RECTO

recto33

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

TINAWAG na crazy idea ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang suhestyon na ipagbawal ang mga pribadong sasakyan sa kahabaan ng EDSA kapag rush hour.

Ang panukala ay mula kay Caloocan City District 2 Representative Egay Erice bilang bahagi anya ng mga hakbangin upang maresolba ang matinding trapik sa Metro Manila.

Sinabi ni Recto na malaya ang sinuman na magmungkahi ng solusyon sa trapik subalit hindi anya nito seseryosohin ang panukala ni Erice.

Ipinaalala ni Recto na napakaraming buwis na ang binabayaran ng mga private car owners tulad ng Value Added Tax, duties at road users tax para sa kanilang mga behikulo.

Idagdag pa rito ang VAT at excise tax sa petrolyo kung saan nakakokolekta ang gobyerno ng daang bilyong piso kada taon.

“It’s a crazy idea. But people are free to suggest. I don’t take those seriously. Private car owners pay a lot of taxes. Excise, vat, duties, road user’s tax on vehicles and excise, vat on petroleum. Hundreds of billion a year,” saad ni Recto.

Sinabi naman ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na mistulang hindi na pinag-isipan ang mungkahing dagdagan ang mga pampasaherong bus tuwing peak hours.

Kinuwestyon ng lider ng Senado kung saan dadalhin ang mga libu-libong bus kapag tapos na ang peak hours.

Muling iginiit ni Sotto ang orihinal niyang suhestyon na ipagbawal ang pagparada sa mga kalsada sa buong Metro Manila mula ala-5:00 ng madaling-araw hanggang alas-10 ng gabi.

Kumpiyansa si Sotto na ang panukalang ito ang magbubunga ng maluwag na daloy ng trapik sa Kalakhang Maynila.

“It’s not a well thought of idea. He says dagdagan ang buses during that time, then where do you dump the thousand of buses taht ply after 9am. My original suggestion is still the best, no parking in the entire Metro Manila streets from 5am to 10pm,” saad ni Sotto.

430

Related posts

Leave a Comment