BANGKAY NG PINAY SA MOROCCO IUUWI NA SA PINAS

DAF12

(NI ROSE PULGAR)

INIHAHANDA na ng embahada ng Pilipinas ang pagpapauwi sa bangkay ng isang Pinay matapos itong mahulog mula sa ikatlong palapag na apartment na kanyang pinagtaratabauhan sa Morocco.

Ayon sa Department of Foriegn Affairs (DFA) lahat ng kailangan na dokumento ay inaasikaso na ng embahada ng Pilipinas para sa agarang repatriation sa mga labi ng isang Pinay Overseas Filipino Worker (OFW), hindi muna binanggit ang pangalan, na nasawi nang makasagutan nito ang kanyang  employer.

Ayon kay Philippine Embassy sa Tripoli Chargé d’Affaires Elmer Cato, ang 49-anyos na Pinay ay pumanaw dahil sa natamong matinding pinsala sa ulo at katawan nang mahulog mula sa ikatlong palapag na apartment nang tangkain nitong tumakas sa kanyang amo.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), hawak na rin ng mga awtoridad ang employer ng biktima.

Ayon kay Cato, gumamit ng tela ang biktima sa pagtakas subalit nahulog ito na naging sanhi ng agarang kamatayan.

Sinadyang hindi muna binanggit ang pagkakakilanlan ng Pinay at ipinaalam pa sa pamilya ang sinapit nito.

 

 

140

Related posts

Leave a Comment