BIKTIMA NG PAPUTOK PUMALO NA SA 319

NAPUTUKAN-1

PUMALO na sa 319 ang biktima na naitala sa firecracker related injuries na nagsimula ang monitoring noong December 21, 2018.

Sa huling araw ng monitoring ng Department of Health (DOH) ngayong Sabado, nakapagtala ng 12 bagong biktima ng paputok ang ahensiya kaugnay sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Ang mga bagong biktima ay mula sa Region 7 na may tatlong biktima, habang dalawa sa Metro Manila, Region 6, Region 10 at tig-isa sa Region 1, 4a at 5.

Ang nasabing bilang ay mas mababa pa rin ng 38 porsyento kung ikukumpara ang mga firecracker related injuries noong 2018 na umabot sa 513 ayon sa DOH.

12

Related posts

Leave a Comment