BONG REVILLA ABSWELTO!

BONG REVILLA-2

(Ni NELSON S. BADILLA)

Inabsuwelto ng Sandiganbayan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa kinakaharap nitong plunder charges.

Ayon sa mayorya ng limang mahistrado ng Special Division ng First Division ng Sandiganbayan, hindi nakumbinsi ng prosecution ang korte na nakinabang si Revilla sa P10 bilyong pork barrel na kinasangkutan ni Janet Lim Napoles.

Kaya, makalalaya na si Revilla mula sa ilang taong pagkakakulong.

Si Revilla ay kasalukuyang tumatakbo sa pagkasenador para sa eleksyon sa susunod na taon.

Samantala, napatunayan ng parehong dibisyon na nagkasala ang dating chief of staff ni Revilla na si Richard Cambe at si Napoles.

8

Related posts

Leave a Comment